Zia Dantes, nagpakitang-gilas sa pagkanta ng Rolling in the Deep

Grabe ang talent ng batang ito! Naka-light blue dress si Zia habang kinakanta ang Rolling in the Deep ni Adele sa kanyang singing recital. Todo suporta naman ang mga magulang niyang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, kasama ang kapatid na si Sixto at iba pang mahal nila sa buhay na nanood ng performance.
Hindi na nakapagpigil ang couple at nag-post agad sa Instagram Stories kung gaano sila kaproud sa kanilang anak. Keep singing, my love! So proud of you, Zia! pa ang caption ni Dingdong. Let's be honest, sino ba namang magulang ang hindi mapapa-flex kung ganyan ka-cute at ka-talented ang anak?
Hindi lang pala pagkanta ang forte ni Zia dahil marunong din siyang mag-piano. Marami na rin siyang napapatunayang achievements sa murang edad. Noong 2024, nakuha niya ang Breakthrough Child Performer award sa Aliw Awards, at noong 2025 naman ay nag-perform siya sa "That's Amore" concert ng RMA Studio Academy.
Habang busy si Zia sa kanyang music journey, ang mga magulang naman niyang sina Marian at Dingdong ay magsasama sa pelikulang "Remember." Tungkol ito sa isang mag-asawang nagkahiwalay na muling nagtagpo para sa kanilang anak na unti-unting nawawala ang memorya.
Kailan kaya tayo magkakaroon ng ganyang talent, o baka naman sa pagtulog na lang tayo magaling?
