Gloc-9, nag-release na ng first vinyl album na ‘Mga Ani’

First time na maglalabas ng vinyl record ang Filipino hip-hop pillar na si Gloc-9 sa pamamagitan ng collection na ‘Mga Ani ni Gloc-9’. Limited-edition itong release na naglalaman ng 11 storytelling tracks mula sa iba't ibang record labels. Pinaghalong greatest hits at mga hard-hitting commentaries ang mapapakinggan dito, na nagsisilbing compilation ng personal struggles at social realities na naging marka ng kanyang musical legacy.
Sabi ni Gloc-9, kaya ‘Ani ni Gloc-9’ ang pinangalan nila sa album dahil sa halos 30 years niya sa industry, inaasahan niyang ang mga kanta niya ang magdadala sa kanya para magpatuloy pa sa paggawa ng musika. Para sa kanya, ang title ay tumutukoy din sa mga bagay na napala niya sa loob ng maraming taon sa OPM. Ayon sa rapper, sa industriyang ito ay mas marami kang aanihin kung mas marami kang itinanim, pero hindi lahat ng ani ay makukuha agad kaya kailangang ulit-ulitin ang proseso.
Ang pinaka-harvest o ‘ani’ para kay Gloc-9 ay ‘yung mga sandali sa mga events kung saan naririnig niyang sumasabay ang mga tao sa pagkanta ng mga lyrics niya kahit hindi pa siya kumakanta. Inamin niya na gusto niyang maiyak sa mga moments na ito dahil pakiramdam niya ay sapat na ang mga itinanim niya sa tagal ng panahon at puwede na siyang umani.
Ang mga track at collaborations
Kinuha ang mga kanta para sa milestone na ito mula sa Sony Music Philippines, Star Music, at Universal Records. Nilinaw ni Gloc-9 na hindi basta-basta greatest hits ang pinili niya, kundi ang mga kantang may pinaka-nakalabit o may pinakamalakas na impact.
Kabilang sa vinyl collection ang ‘Sirena’ na kasama si Ebe Dancel, ‘Magda’ kasama si Rico Blanco, at ang ‘Upuan’ na may feature ni Jeazell Grutas. Kasama rin ang ‘Simpleng Tao’ at ‘Bagsakan’ na ni-record niya kasama ang Parokya ni Edgar at ang late master rapper na si Francis M.
Nariyan din ang ‘Love Story’, ‘Walang Natira’ kasama si Sheng Belmonte, ‘Lando’ kasama ulit si Francis M, ‘Takipsilim’ kasama si Regine Velasquez-Alcasid, ‘Walang Pumapalakpak’ kasama si Gary Valenciano, at ang ‘Kumpisal’ featuring Skusta Clee. Sa kabila ng dami ng collaborations, nabanggit din niya na gusto pa niyang makatrabaho ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa future.
Ang pagbabago ng kahulugan ng ‘Upuan’
Isa sa mga highlight ng collection ay ang award-winning track na ‘Upuan’. Isinulat ito 17 years ago noong 33 years old pa si Gloc-9, at aminado siya na noong panahong iyon ay naive at hopeful pa siya. Napansin niya na habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang kahulugan ng kanta. Habang alam niya ang sariling intensyon kapag kinakanta ito sa harap ng tao, naririnig niya ito sa iba't ibang lugar na hindi na tugma sa orihinal niyang intensyon dahil napalitan na ito.
Dahil kilala si Gloc-9 sa pagbibigay ng komento tungkol sa mga current issues, naniniwala siya na ang ‘Upuan’ ang dapat pinaka-mag-resonate sa mga kabataan ngayon dahil sa mga nangyayari sa paligid. Gusto niyang magsilbing awareness ito para maging matapang ang mga kabataan. Para sa kanya, hindi lang siya ang dapat kumanta nito dahil ginawa ang track para maging boses din ng iba.
Payo sa mga aspiring artists
Nagbigay rin si Gloc-9 ng simpleng payo para sa mga gustong sumunod sa kanyang yapak. Para sa kanya, ang pinaka-importante para sa mga kabataan ngayon—ano man ang gusto nilang i-pursue sa buhay—ay ang i-identify ang kanilang specific gifts. Sabi niya, the earlier the better kung makikita at makikilala nila ang talent nila para pagkatapos ay magsimula na silang mag-build nang paulit-ulit.
Binigyang-diin niya na dapat ituloy-tuloy ang pag-build sa bagay na nagpapasaya sa isang tao, anuman ang katayuan sa buhay, oras, opportunity, o pera. Kung hindi papansinin ang mga distractions at magiging masaya sa ginagawa, naniniwala siya na eventually ay may mangyayaring maganda dahil imposibleng walang resulta ang hard work.
