Donny Pangilinan, Belle Mariano, at iba pang Kapamilya stars, niyanig ang Pampanga para sa ASAP XP

Sinalubong ng mga fans sa Pampanga ang ASAP XP ngayong Sunday, Nov. 8, kung saan nag-perform ang samu't saring Kapamilya stars para sa kanilang musical variety show on the road.
Kailangang handa ang lahat sa kilig dahil si Donny Pangilinan, na actor at singer, ay nagkaroon ng special solo stage para i-charm ang crowd. Hindi rin nagpa-huli ang girl-power energy nina Belle Mariano, Kai Montinola, Francine Diaz, at Jane De Leon na nag-team up para sa isang high-energy number. Para naman sa mga romantic musical moments, nagpakitang-gilas ang mga heartthrobs na sina River Joseph, Ralph De Leon, Seth Fedelin, Jarren Garcia, at Chan.
Kung vocal powerhouses naman ang pag-uusapan, nagkaroon ng champions musical showdown sina Erik Santos, Jona, Carmelle Collado, Jason Dy, Lyka Estrella, Jed Madela, Khimo Gumatay, Katrina Velarde, Arvery Lagoring, JM Dela Cerna, at Marielle Montellano. Dagdag pa rito ang heartfelt solo performance ng veteran singer-songwriter na si Ogie Alcasid.
Bukod sa pagkanta, humarap din sa mga viewers bilang main hosts sina Ogie Alcasid, Belle Mariano, Darren Espanto, at Alexa Ilacad.
Para sa mga hindi nakapunta sa Pampanga, napanood ang full broadcast ng ASAP XP mula 7:00 p.m. hanggang 8:45 p.m. sa ALLTV, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live via Facebook at YouTube, iWantTFC, at TFC. May delayed telecast din na ipinalabas sa Jeepney TV ng 10:00 p.m.
Sino sa lineup ang pinaka-inaabangan niyo sa stage?
