Baka ikaw na 'to! Hong Kong Disneyland, maghahanap ng vocalists sa Manila

Kuhang-kuha na ba ang high notes? Naghahanap ang Hong Kong Disneyland ng mga talentadong Filipino vocalists para sumali sa kanilang live entertainment productions. Gaganapin ang face-to-face auditions sa November 29, 2026, sa Steps Dance Studio sa Makati City.
Strict ang screening kaya walang tatanggapin na video submissions. Magsisimula ang registration nang 8 a.m. sa araw na iyon. Para sa mga gustong sumubok, kailangang magdala ng updated CV o resume na may contact info at kopya ng current headshot.
Pagdating sa performance, dapat maghanda ng dalawang 16-bar song selections na magpapakita ng vocal range. Kailangan ding may kasamang sheet music na nasa tamang key para sa accompanist. Take note: bawal ang a cappella at bawal din ang prerecorded accompaniment tracks.
Ang mga requirements
Hindi lang boses ang tinitignan kundi pati ang physical requirements. Dapat ay at least 21 years old ang aplikante. Para sa mga babae, kailangang hindi bababa sa 5'4" ang height, habang 5'7" naman para sa mga lalaki.
Importante rin na may valid passport na may higit anim na buwan pa bago mag-expire. Siyempre, dapat handa ring lumipat ng tirahan papuntang Hong Kong para sa duration ng contract.
Ang slots at kontrata
Anim na vocalists ang target na makuha ng theme park: dalawa para sa Mickey & the Wondrous Book at apat naman para sa mga Castle shows.
Kung mapalad na makapasa, maaaring makakuha ng year-long contract na magsisimula sa May 2027. May chance din na makapag-audition ulit para sa renewal ng contract. Ang mga successful candidates ay tatawagan para sa callback sa November 30.
Kaya i-warm up na ang boses at ihanda na ang best outfit, baka ito na ang ticket niyo papuntang Hong Kong!
