Zephanie at Miguel Tanfelix, nag-reunite na sa Taskforce Firewall!

Grabe ang nostalgia vibes dahil nag-crossover ang fictional girl group na Yumi mula sa "Born to Shine" sa action-drama series na "Taskforce Firewall."
Siyempre, hindi mapigilan ni Zephanie ang saya na muling makatrabaho si Miguel Tanfelix. Sabi nga niya, Nothing has changed. Miguel is still so much fun to work with. Aminado rin si Zephanie na dream come true para sa kanya ang makashare ng scene kay Kyline Alcantara.
Kahit special appearance lang, natuwa ang mga viewers sa chemistry nina Miguel at Zephanie. Paalala ito sa panahong magkasama silang bida bilang sina Kidlat at Mutya sa "Mga Batang Riles." Para kay Zephanie, sobrang nostalgic na makabalik sa working relationship nila ni Miguel at enjoy na enjoy daw ang mga girls sa experience na ito.
Kung gusto niyo pang mapanood ang action sa "Taskforce Firewall," airing ito weeknights at 8:50 p.m. pagkatapos ng "The Master Cutter." Para naman sa mga Yumi stans, mapapanood ang "Born To Shine" weekdays at 2:30 p.m. pagkatapos ng "It's Showtime."
Sana all may crossover na ganito ka-cute, 'di ba?
