Hayley Williams, magbabalik na raw sa Manila!

Grabe ang excitement sa social media ngayon dahil tila nag-tease si Hayley Williams, ang vocalist ng Paramore, ng Asian leg para sa kaniyang solo tour na "The Hayley Williams Show" sa 2027.
Nagsimula ang hinala matapos ang isang YouTube livestream kung saan may billboard sa Shibuya Crossing sa Tokyo na gamit ang kanta niyang "Dream Girl in Shibuya." Sa mabilis na visual teaser, may lumabas na mga potential tour dates sa apat na major cities sa Asia. Ayon sa teaser, magsisimula ito sa Manila sa February 24, susunod ang Singapore sa February 26, Seoul sa March 1, at magtatapos sa Tokyo sa March 3.
Kung matutuloy ito, markado ito bilang pagbabalik ni Hayley sa Pilipinas matapos ang kaniyang sold-out concert noong August 2018. Pero chill muna tayo, kasi wala pang official announcement mula sa kaniyang management o sa mga local concert promoters tungkol sa venue, ticket prices, at kung kailan ang sale.
Kaya ready na ba ang wallet niyo or mag-iipon pa tayo?
