Zack Tabudlo, gumawa ng kanta base sa chemistry nina Jeo at Gehlee sa PBB

Hindi lang pala tayo ang nakikipag-marites sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 dahil pati si Zack Tabudlo, nanonood din. Sa katunayan, gumawa pa siya ng kanta base sa unexpected connection nina Jeo Ong at Gehlee.
Ang track na pinamagatang “Tsaka Nalang” ay isinulat ni Zack matapos siyang ma-attract sa dynamic ng dalawa. Kitang-kita kasi ng mga viewers ang natural chemistry nina Jeo, na kilala bilang “Adventure Boy-Next-Door ng Palawan,” at ni Gehlee, ang “Darling K-Pop Idol ng Las Piñas.”
Kahit ang mga fellow housemates nila sa loob ng bahay ay nakapansin at nanunukso na rin sa lumalaking bond ng dalawa, kaya naman hindi nakapagtataka na maging inspirasyon sila sa isang kanta. Ayon kay Zack sa isang social media post, sinulat niya ang kanta dahil sa kakapanood niya ng PBB.
Pero ang nakakaloka rito, hindi raw ito pinagplanuhan nang matagal. Inamin ni Zack na tinapos niya ang kanta isang gabi lang bago ang release nito.
Sanay tayo na emotional ang mga kanta ni Zack na hango sa personal experiences at iba't ibang kwento, kaya naman excited na rin siyang mapakinggan ng mga fans ang track na ito na sparked ng journey nina Jeo at Gehlee sa reality show. Excited na ko marinig niyo! ani Zack.
Kayo, ship niyo rin ba ang dalawang ito o pang-friendship lang talaga?
