Winwyn Marquez, nakita ang reflection ni Alma Moreno kay Mikee Quintos sa PBB

Hindi na napigilan ni Winwyn Marquez na mapuna ang striking resemblance ni Mikee Quintos sa kanyang ina na si Alma Moreno habang nasa loob sila ng Pinoy Big Brother house. Para kay Winwyn, parang nakita na rin niya ang kanyang ina sa pamamagitan ng fellow housemate.
Sa isang conversation nila nitong nakaraang linggo, hinu-hype ni Winwyn ang ganda ni Alma Moreno, lalo na noong bata pa ito. Sabi pa ni Winwyn, Super ganda talaga ni Mama. I saw her photos when she was younger, like God.
Ang partikular na napansin ni Winwyn ay ang short hairstyle ni Mikee, na aniya ay katulad ng buhok ni Alma noon. Aminado naman si Mikee na marami na rin siyang natatanggap na comments na kamukha niya ang veteran star simula nang gupitin niya ang kanyang hair.
Kumpirmado kay Winwyn na totoo ang obserbasyon ng mga tao. Sa sobrang tuwa, nagbiro pa ang actress-beauty queen na I’m so happy I’m with my mom.
Dahil dito, nagpahayag naman si Mikee ng pag-asang makatrabaho si Alma Moreno sa isang acting project. Ayon kay Mikee, gusto niyang na gumanap bilang younger version ng veteran actress.
Sila Winwyn at Mikee ay pumasok sa PBB house kasama ang iba pang celebrity housemates noong October. Anak ni Alma Moreno at actor Joey Marquez si Winwyn.
