Shaira Diaz, napagod na sa 'rude' behavior ng ilang ARMY

Hindi na nakatiis si Shaira Diaz at nanawagan ng kindness at politeness matapos niyang ipahayag ang disappointment sa kung paano itrato ng ilang members ng BTS fandom, o ARMY, ang kapwa nila fans.
Nagsimula ang lahat sa isang Facebook post kung saan shinare ng actress ang excitement niya para kay Jungkook. Pero lumaon, nag-comment si Shaira sa sarili niyang post para tugunan ang mga fans na pinipilit siyang sumali sa isang voting campaign.
Some ARMYs are just so rude when they demand and pressure others to show their voting receipts, then immediately judge them for supposedly not voting, ani Shaira. Dagdag pa niya, Please don't be so entitled. Girl, I'll support BTS for life—there's no need for me to say it. But I also have a life outside of fangirling. Yes, we love them, but kindness and politeness won't cost you anything.
Para naman patunayan ang support, nag-post si Shaira ng voting certificate para sa Fans' Choice category ng 2026 MAMA Awards sa sumunod niyang update sa Facebook.
Kering-keri naman talaga ang pagiging fan ni Shaira dahil noong April, nanood siya ng comeback concert ng BTS sa Goyang, South Korea. Sinundan pa ito ng panonood niya ng isa pang BTS concert sa Las Vegas noong May.
Sa mga nag-aabang naman, tutuloy ang BTS sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan para sa two-night concert sa March 13 at 14.
Aminin na natin, mahirap talaga kapag naging obligasyon na ang pag-stan imbes na enjoyment lang. Bakit ba kailangang may resibo pa bago ituring na true fan?
