Katrina Anne Johnson, hindi naniniwala sa 'archetype' ng Miss International

Hindi sang-ayon si Katrina Anne Johnson sa paniniwala ng maraming pageant fans na may specific na 'archetype' o hitsura ang nananalo sa Miss International. Para sa marami, ang hinahanap ng Japan-based pageant ay 'yung mga mukhang "Barbie dolls," mahinhin, at hindi masyadong agresibo ang performance sa stage, pero disputed ito para sa ating delegate.
Sa loob ng apat na taon niya sa national pageant—bilang candidate noong 2023, runner-up noong 2024, returning candidate noong 2025, at reigning queen ngayong 2026—personal na nakasama ni Johnson ang apat na reigning Miss International winners. Sila ay sina Jasmine Selberg ng Germany (2023), Andrea Rubio ng Venezuela (2024), Huynh Thi Thanh Thuy ng Vietnam (2025), at ang current queen na si Catalina Duque.
Sabi ni Johnson, kung titingnan ang apat na ito, hindi sila magkakapareho ng physical look at may kanya-kanya silang type ng beauty. Bukod sa magkakaiba ang kanilang hitsura dahil galing sila sa iba't ibang panig ng mundo, napansin din niya na magkakaiba ang kanilang personalities.
Pero may isang bagay na nag-unite sa kanila: ang pagiging charming, warm, at intellectual. Para sa kanya, magnetic ang mga ito at nakakabuo ng connection kapag kausap, kaya naman nakaka-challenge at nakakapagturo sila sa mga kandidata.
Ready for the Crown
Nabanggit ito ng Davaoeña pharmacist sa kanyang send-off press conference noong October 28 sa grand ballroom ng Novotel Manila Araneta City sa Quezon City. Present din sa event na ito si 2013 Miss International Bea Rose Santiago kasama ang iba pang Bb. Pilipinas International titleholders.
Lilipad na si Johnson patungong Tokyo para sa 64th Miss International pageant sa paghahangad na makuha ang seventh victory ng Pilipinas. Sampung taon na ang nakalipas mula noong huling manalo ang bansa, kung saan nakuha ni Kylie Verzosa ang korona noong 2016.
Kumpyansa ang ating queen dahil ginamit niya ang higit isang taon mula nang manalo siya ng national crown para mag-prepare. Ang final competition ng 2026 Miss International ay gaganapin sa Kanadevia Hall (dating Tokyo Dome City Hall) sa Tokyo sa November 25.
Kaya naman itanong natin: Ready na ba tayong ibalik ang korona sa Pinas after a decade?
