Winwyn Marquez, naluha sa PBB dahil sa anak

Aminado ang beauty queen at actress na si Winwyn Marquez na nakaramdam siya ng guilt nang iwan ang kanyang four-year-old daughter na si Luna kasama ang kanyang non-showbiz fiancé para pumasok sa bahay ni Kuya.
Sa episode ng reality series noong Tuesday, October 27, 2026, nag-open up si Winwyn tungkol sa rason kung bakit niya piniling sumali sa kompetisyon. Gusto raw nitong maging ehemplo para sa anak.
I hope when she grows that, she sees that, 'my mom did everything she wanted to do despite her age, despite having her, she continued doing her dreams and what she wanted and not just because she's a mom she had to stop everything,' sabi ni Winwyn.
Dagdag pa niya, gusto niyang ipakita sa lahat na ang mga nanay ay kaya ring gawin ang lahat ng gusto nila kahit pa iba ang timing ng buhay nila.
Naging emotional ang actress habang nagkekwento sa kapwa housemates. Hawak niya ang security blanket ni Luna na nakabalot sa plastic para hindi mawala ang amoy ng bata sa tela. Ayon kay Winwyn, binigay ito ng anak niya para magkaroon siya ng security sa loob ng bahay.
Para sa kanya, gagawin ng isang magulang ang lahat para bigyan ng seguridad ang anak, pero ibang level ng feeling kapag ang anak naman ang nagpakita ng pagmamahal sa magulang.
Hindi ito ang unang beses na naging advocate si Winwyn sa pagpapatunay na ang motherhood ay hindi katapusan ng mga pangarap ng isang babae. Noong nakaraang taon, bumalik siya sa pageantry at naging first runner-up sa Miss Universe Philippines 2025.
Slay na slay ang mindset na ito! Sino ba namang hindi mag-iinspire kung pati ang motherhood ay ginagawang power move para mag-grow?
