GMA Pictures' 'Red Crown' nasa mga sinehan na!

Naka-deploy na sa mahigit 100 cinemas nationwide ang satirical comedy-thriller na Red Crown mula sa GMA Pictures. Kung mahilig kayo sa plot twists at gulo sa pageant, ito na 'yun.
Kuwento ito tungkol sa 25 contestants na naglalaban-laban para sa 25th anniversary edition ng Queen of the Islands. Akala niyo glamour lang? Think again, kasi ang pursuit of the crown dito ay magiging dark twist kung saan kailangang lumaban ng mga contestants para lang mabuhay.
Siksik din ang cast ng Sparkle artists gaya nina Sanya Lopez, Ashley Ortega, Michelle Dee, AZ Martinez, Faith Da Silva, Shuvee Etrata, at Ahtisa Manalo. Kasama rin nila ang seasoned actress na si Ruffa Gutierrez. Ang movie naman ay idinirek ni Dominic Zapata, habang ang screenplay ay gawa nina Kit Villanueva at Ken de Leon.
Para sa mga gustong makipag-bonding sa cast, nagkaroon na ng special appearance sina Ashley Ortega, Haley Dizon, Vanessa Peña, at Betong Sumaya noong October 28 sa SM City North EDSA para sa isang cinema visit at ticket-selling event.
Pero don't worry, kung na-miss niyo 'yun, may mga nakaplano pang additional cinema visits at ticket-selling activities sa October 31. Hintay-hintayin na lang natin ang announcement para sa full details.
