Bleach anime, magtatapos na after 22 years; silip na sa final episode

Tapos na ang paghihintay dahil officially mag-eend na ang Bleach anime after 22 years. Para sa huling hirit, nilabas na ang first look at story details para sa final episode ng serye. Matatandaang nag-hiatus muna ng isang buwan ang Bleach: Thousand-Year Blood War – The Calamity para mas mapaganda ang paghahanda sa huling dalawang episodes nito. Sa penultimante o second to the last episode, nakita na ng mga fans kung paano natapos ang mahabang labanan kontra kay Yhwach, kaya naman isang episode na lang ang natitira para magpaalam ang anime.
Ang huling yugto ng kwento
Ang finale ay nakasentro sa buhay ng tatlong mundo sampung taon matapos ang labanan kay Yhwach. Ang episode na ito, na may titulong “Death & Strawberry,” ay lumabas na sa Hulu at Hulu on Disney+ sa United States noong Lunes, 26 October 2026, alas-11:30 ng gabi ET.
Kung pamilyar kayo sa original manga ni Tite Kubo, ito ay full adaptation ng original epilogue. Sa synopsis, binanggit na sampung taon na ang nakalipas mula noong Great War to Protect the Soul King. Ang Seireitei, na naging abo noong matinding labanan kontra Yhwach, ay unti-unti nang nakabangon at nagkaroon ng kapayapaan habang nagpapatuloy ang reconstruction.
May plot twist ba sa dulo?
Tila may bagong issue na susulpot para sa huling konfrontasyon. Sa araw na natapos ang construction sa final reconstruction area, may mga bagong captains na itatalaga sa Thirteen Court Guard Squads. Sa araw na iyon na may clear blue sky, naramdaman ng Research and Development Bureau ang isang ominous spiritual pressure kasabay ng inauguration ceremony.
Para sa mga nakabasa na ng original manga, alam na natin kung ito ba ay totoong katapusan o simula lang ng bagong kabanata. Pero for the anime fans, ito ang grand finale na hinihintay ng marami.
Ang mahabang paghihintay ng fans
Hindi biro ang 22 years na takbo ng original Bleach TV anime series. Noon pa ito kinansela bago pa man ma-adapt ang final arc ng manga ni Kubo, kaya naman more than a decade na naghintay ang mga fans para lang makitang mabuo ang kwento.
Siyempre, maraming expectations sa finale na ito. May pag-asa pa rin ba para sa dagdag na content? Ang creator na si Tite Kubo ay naglabas ng isang special one-shot story ilang taon matapos ang finale ng manga. Ang one-shot na ito ang nag-spark ng isang buong bagong arc na nag-te-tease ng mga returning villains at isang bagong realm. Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung gagalawin ba ng anime franchise ang mga materials na ito sa future, kaya for now, ito na muna ang end of an era.
Kayo, ano ang pinaka-asam ninyong makita sa huling episode ng Bleach?
