Winwyn Marquez, naiiyak dahil sa ‘mom guilt’ habang nasa loob ng PBB

Kumuha ng matinding emosyon si Winwyn Marquez nang aminin niya ang nararamdamang ‘mom guilt’ dahil malayo siya sa kanyang kaisa-isang anak na si Luna habang nananatili sa loob ng bahay ng Pinoy Big Brother.
Nagsimula ang lahat nang bigyan ang mga housemates ng mga ornaments para palamutian ang kanilang Christmas tree. Dahil dito, naalala ni Winwyn ang tradisyon ng kanyang pamilya tuwing Pasko. Ibinahagi niya kay Big Brother na sa loob ng tatlong taon, sinisiguro niyang kasama niya si Luna sa pag-aayos ng Christmas tree, at ang anak niya ang laging naglalagay ng star sa tuktok nito.
Inamin ng aktres na pakiramdam niya ay nagiging ‘selfish’ siya sa pananatili sa loob ng bahay. Ayon sa kanya, hindi man magarbo ang kanilang mga Pasko, ang mahalaga para sa kanya ay kumpleto ang pamilya dahil iyon ang tunay na spirit ng Christmas.
Sabi ni Winwyn, ilang linggo na siyang hindi nakikita si Luna. Para mabawasan ang pangungulila, dinadaan niya ito sa pagdarasal at pag-imagine na kasama ang anak gabi-gabi. Aminado rin siya na natatakot siyang makalimutan siya ng kanyang anak habang siya ay wala sa labas.
Napaiyak si Winwyn nang damayan siya ng kanyang mga fellow housemates at hiniling sa kanya na siya na ang maglagay ng star sa Christmas tree.
Si Winwyn at ang kanyang non-showbiz partner na si Rayn ay may anak na si Luna, na kanilang i-welcome noong 2022.
Kaya naman tayo, relate na relate sa feeling na ‘yun! Sino ba namang hindii iiyak kung Pasko na at malayo ka sa mga mahal mo? Kayang-kaya pa ba natin ang ganitong level ng sacrifice para sa isang reality show?
