Vice Ganda, na-censor sa Malaysian broadcast ng Eurovision Asia

Grabe naman ang censorship na ito. Kinutay ng Malaysian network na TV3 ang video feed ni Vice Ganda noong live broadcast ng Eurovision Song Contest Asia (ESCA) noong Sabado, Nobyembre 14. Habang nagsasalita si Vice bilang jury spokesperson ng Pilipinas sa show na ginanap sa Thailand, pinalitan ng network ang image niya ng event logo.
Imagine, static scoreboard lang ang nakita ng mga viewers sa free-to-air network ng Malaysia. Pero don't worry, kasi sa unedited international world feed, kitang-kita ang ating comedy icon. Naka-wicker-inspired Filipiniana ballgown si Vice na may white skirt at butterfly sleeves, plus platinum-colored hair. Fresh at bongga, pero mukhang hindi nag-agree ang Malaysia sa look at identity ni Vice dahil sa kanilang strict laws on LGBTQ+ representation at cross-dressing.
Kinutay ang visual feed ni Vice sakto nang i-announce niya ang 12 points para sa Malaysian singer na si Aina Abdul. Pero kahit missing in action ang visuals, intact naman ang audio. Rinig na rinig pa rin ng mga Malaysian ang boses ni Vice nang ibigay ang points para sa Thailand (8 points), South Korea (10 points), at Malaysia (12 points).
Sa huli, panalo pa rin ang Pilipinas sa first-ever Eurovision Asia title sa pamamagitan ng singer na si Carmelle Collado, na dating grand champion ng “Tawag ng Tanghalan”.
Bakit ba nila ginawa 'yun?
Kahit walang official statement mula sa TV3 o sa European Broadcasting Union (EBU), hinala ng mga netizens at international Eurovision outlets ay dahil ito sa batas ng Malaysia. Bawal kasi sa public television nila ang anumang depiction ng LGBTQIA+ themes, cross-dressing, at drag culture. Dahil sa appearance ni Vice, napansin ng mga observers na posibleng sinunod ng TV3 ang government censorship guidelines ng Malaysia.
Hindi naman ito ang unang beses na may ganyang issue sa Eurovision. Noong 2018, tinapos na ng EBU ang partnership nila sa Chinese broadcaster na Mango TV matapos i-censor ng network ang mga rainbow flags at queer performances sa European edition.
Sinubukan nang kunin ang reaction ni Vice Ganda at ng kanyang handlers, pero wala pang reply hanggang ngayon. Wala rin pang inilalabas na official statement ang ABS-CBN, ang home network ni Vice.
Kahit walang visual, narinig pa rin nila ang talent at boses ni Meme, pero sana naman all-out na nakita ang outfit!
