Ashton Irwin ng 5SOS, nag-drop ng Manila vlog: I love the Filipino people

Nag-share ng heartfelt tribute si Ashton Irwin, ang drummer ng Australian pop-rock band na 5 Seconds of Summer (5SOS), para sa mga Filipino fans. Sa isang bagong YouTube vlog, ipinakita ni Irwin ang mga karanasan niya noong bumisita ang banda sa bansa.
Sa halos limang minutong video, makikita ang mga candid backstage moments, view ng mga kalsada, at highlights ng kanilang high-energy concert. I love the Filipino people, sabi ni Irwin sa clip. Nagpasalamat din siya sa mainit na pagtanggap at sa unmatched passion ng local crowd.
Kuhang-kuha sa vlog ang buhay-biyahe ni Irwin habang nag-eexplore ng local spots, nakikipag-usap sa crew, at naghahanda para sa kanilang Manila show. Sa simula ng clip, makikita siyang nagwa-warm up sa drum kit at nakikipagtawanan sa mga bandmates na sina Luke Hemmings, Calum Hood, at Michael Clifford bago sumalang sa stage.
Hindi rin nakaligtas sa footage ang vibrant street life at ang heavy traffic sa Metro Manila, pero chill lang si Irwin at tinanggap ito nang maayos. Nagtapos ang video sa mga emotional concert moments kung saan libu-libong fans ang sumasabay sa pagkanta.
Special ang pagbabalik na ito para sa quartet dahil ang huli nilang full headline concert sa Pilipinas ay noong March 2016 pa. Dahil nag-reunion sila sa local stage after of a decade, naging mas emotional ang lahat.
Para sa mga hindi nakaabot, may chance pa dahil babalik ang 5 Seconds of Summer sa November 29. Ito na ang ikatlong Manila show para sa kanilang “Everyone’s A Star!” world tour dahil sa sobrang taas ng demand.
Sanay na ang 5SOS na purihin ang mga Manila audiences dahil madalas nilang sabihin na isa ito sa pinakamaingay sa buong mundo. Sa comment section, nagpasalamat din ang mga fans kay Irwin dahil binigyang-diin niya ang kultura at hospitality ng bansa matapos ang 10-year wait.
Kaya na ba natin 'yung ingay sa November 29 o kailangan pa nating mag-practice sumigaw?
