Bianca Gonzalez, nilinaw ang process ng PBB pagkatapos ng eviction

Kailangang dumaan muna sa briefing ang mga evicted housemates ng Pinoy Big Brother bago sila payagang mag-check ng social media. Ito ang nilinaw ng television host na si Bianca Gonzalez Intal sa isang post sa X noong Sabado, Nov. 14.
Sa briefing na ito, ina-update ng production team ang mga housemates tungkol sa mga major news at events na nangyari habang nasa loob sila ng bahay. Hindi lang basta balita, kundi inihahanda rin sila ng team para sa mga positive at negative feedback mula sa publiko. Para mas siguradong okay ang lahat, may psychologist din na naka-standby para tulungan ang mga dating housemates na i-process ang kanilang mga emosyon kung kailangan.
Once cleared, they can go home with their loved ones and only then will they have access to their phones, share ni Bianca. Ayon sa kanya, ginagawa ang protocol na ito para protektahan ang well-being ng mga contestants at mabigyan sila ng tamang konteksto bago makita ang mga online commentary.
Binigyang-diin ni Bianca na nandito ang PBB nakaalalay sa kanila at gumagabay bago, habang, at pagkatapos ng pananatili nila sa bahay. Ang pagpapaliwanag na ito ay tugon sa mga bashing na natatanggap ng show at ng mga evictees mula sa mga followers, pati na rin sa mga diskusyon ng mga viewers tungkol sa emotional toll ng public scrutiny sa mga huling nailabas sa bahay.
Sana all may psychologist na naka-standby bago mag-bukas ng Facebook, 'no?
