'The Way Back to You' nina AZ Martinez, Ralph De Leon at Michael Sager, mapapanood na sa Viu sa November 23

Mark your calendars na dahil sa November 23, mapapanood na natin ang "The Way Back to You" sa Viu. Sino ba naman ang hindi ma-e-excite sa plot na caught between your first love and a new love? Aminin natin, classic trope pero always hits different lalo na kung chemistry ang pag-uusapan.
Sa kwentong ito, dadalhin tayo sa isang fictional provincial town na sikat sa mga onion farms. Magre-reconnect ang mga characters sa mga tao at lugar mula sa kanilang past. Sabi ng Viu, warm, witty, at hopeful daw ang series na ito, at balance ang humor at heart habang hinaharap ang mga unexpected turns sa pag-uwi sa probinsya.
Siyempre, hindi mawawala ang excitement sa cast. Pinangunahan ito nina AZ Martinez, Ralph De Leon, at Michael Sager. Para sa mga hindi nakaka-alam, nagkasama-sama na ang tatlong ito noon sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang mga bida; nakasama na ni AZ si Ralph sa "The Secrets of Hotel 88," habang nakatrabaho naman ni AZ si Michael sa pelikulang "Opposites Almost Attract."
Kasama rin sa cast sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, at Jenzel Angeles para mas lalong kumumpleto ang drama. Ang series ay idinirek ni JP Habac at nagsimulang i-produce noong September.
Mapapanood ang series sa Viu simula November 23.
