Gloria Diaz, magiging judge sa Miss Grand International All Stars 2027

Kumpirmadong isa na sa mga official judges si Gloria Diaz para sa inaugural edition ng Miss Grand International (MGI) All Stars. Sa Instagram post ng MGI All Stars, ipinakilala siya bilang Miss Universe 1969 at isang award-winning actress at TV personality.
Saktong timing ang pag-upo niya sa panel dahil may mga Pinoy candidates din na lalaban sa competition. Si Michelle Dee ay lalaban din sa MGI All Stars 2027; inanunsyo niya ang kanyang pagsali sa premiere night ng “Red Crown,” habang sina Anne Patricia Diaz at Alexie Caimoso Brooks ay set na ring i-represent ang Pilipinas.
Mark your calendars dahil mangyayari ang MGI All Stars sa November 29 sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand. Noong 2022, ibinahagi ni Gloria ang kanyang saloobin sa bagong patakaran ng Miss Universe na pinapayagang lumahok ang mga ina, may asawa, at transgender na babae, at sinabi niyang dapat ay may hiwalay silang patimpalak.
Sino kaya sa mga Pinoy candidates ang papasa sa standards ni Gloria?
