The Clash at Tawag ng Tanghalan finalists, nag-collab sa 17th anniversary ng It's Showtime

Nag-join forces ang mga finalists ng "The Clash" mula GMA Network at "Tawag ng Tanghalan" ng ABS-CBN para sa isang series ng musical performances noong Biyernes, 23 October 2026. Bahagi ito ng ikalimang araw ng week-long 17th anniversary celebration ng "It's Showtime."
Itinampok ang powerhouse vocalists mula sa dalawang singing competitions sa ilan sa mga pinaka-iconic na kanta sa pop, rock, at power ballads. Sinimulan nina Anne Curtis at Jackie Gonzaga ang party sa pamamagitan ng pag-perform ng "It's All Coming Back to Me Now" ni Celine Dion.
Sunod-sunod ang mga killer combinations sa stage. Muriel Lomadilla at Carmelle Collado ang humataw sa "All by Myself" ni Dion, habang pinakita naman nina Garrett Bolden at JM Dela Cerna ang rock side nila sa "Dream On" ng Aerosmith. Hindi rin nagpahuli sina Arabelle Dela Cruz at Arvery Love na nag-deliver ng "Listen" ni Beyoncé.
Nag-team up sina John Rex at JM Yosures para sa "Ever Since the World Began," at nagpakitang-gilas sina Hannah Precillas at Marielle Montellano sa "Just as I Am" ng Air Supply.
Hindi rin pumayag ang show na walang matinding rock vibe. Kinuha nina Jong Madaliday at Marko Rudio ang 1993 rock ballad ni Meat Loaf na "I'd Do Anything for Love (But I Won't Do That)." Nag-collab naman sina Jessica Villarubin at Lyka Estrella para sa "What About Love" ni Heart.
Para sa 17th anniversary week na ito, hindi lang mga singing finalists ang naki-celebrate. May mga special celebrity guests din at performances mula kina Fitterkarma, Angela Ken, Earl Agustin, at Skusta Clee.
Sino sa mga collab na 'to ang pinaka-slay para sa inyo?
