Juby ng Baby Dolls, nagbahagi ng natutunan matapos ang pahayag tungkol kay Donny Pangilinan

Umamin si Juby ng Baby Dolls na hit me on my rock bottom ang naging epekto sa kanya ng kontrobersyang idinulot ng kanyang mga inappropriate remarks tungkol kay Donny Pangilinan. Sa kanyang pagharap sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Huwebes, Nobyembre 5, 2026, sinabi ni Juby na marami siyang natutunan mula sa nangyari at itinuturing niya itong isang learning experience dahil bago pa lamang ang kanilang girl group.
Mas mag-iingat daw sila ngayong may platform na sila. Ayon kay Juby, okay na sila dahil nag-usap na ang kanyang management at ang management ni Donny. Dahil dito, nakatutok na raw sila ngayon sa concert at sa mga events.
Nagsimula ang gulo noong Oktubre matapos maging target ng batikos si Juby. Ito ay dahil sa pagbabahagi niya sa isang episode ng "Gandang Gabi Vice" ng isang intimate dream na napanaginipan niya tungkol sa actor.
Gaganapin ang "Baby Dolls: Ooh La Live" show ng grupo sa SM North EDSA Skydome sa Quezon City ngayong Nobyembre 8, 2026. Nakilala ang grupo matapos lumabas sa noontime show na "It's Showtime."
Ang hit song nilang "Oohh Lala Baby" ay may mahigit 13 million streams na sa Spotify, habang ang "Ikembot Mo" naman ay lagpas apat na milyon na. Ang mga tracks na ito ay bahagi ng kanilang debut EP na "Zoom Baby Dolls" na inilabas noong Marso. Noong Setyembre naman ay nilabas nila ang pinakabagong kanta na pinamagatang "Meme."
