SPED teachers at the center ng Christmas tree lighting sa Bulacan

Sinimulan na ng San Jose del Monte City sa Bulacan ang Christmas season sa pamamagitan ng kanilang annual Christmas tree lighting ceremony. Pero this year, may special twist dahil ginawa itong tribute para sa mga special education (SPED) teachers at students.
Ang 40-foot Christmas tree na inilagay sa harap ng New Government Center. Bukod sa colorful lights at festive decorations, mapapansin din ang mga teddy bears na iba't ibang size. Ang mga teddy bears na ito ang nagsisilbing simbolo ng appreciation ng lungsod para sa dedication, hard work, at contributions ng mga SPED teachers at students sa kanilang community.
Sabi ni SPED teacher Miles Armas, nakaka-proud at nakakatuwa dahil nararamdaman nilang appreciated ang pagod at pagmamahal na ibinibigay nila sa kanilang mga estudyante. Inamin naman ni SPED teacher Karissa Batayola na talagang challenging ang pagtuturo sa Special Education, kaya naman malaking bagay na sa kanila inalay ang Christmas light display ngayong taon.
Para mas maging festive ang vibe, nag-perform din si National Artist for Music Ryan Cayabyab kasama ang kanyang mga singers.
Sabi ng student na si Marc Alcaide, matagal nang inaabangan ng mga residente ng San Jose del Monte ang event na ito, simula sa Tanglawan Festival, at ngayon ay dala na ang spirit ng Tanglawan sa mga San Joseños ngayong Pasko. Ayon kay Hannah Los Baños, mas nagiging impressive ang Christmas lighting display ng lungsod taon-taon, at tradisyon na para sa kanila ang pagdalo sa annual ceremony.
Sana all may ganitong level ng appreciation sa mga teachers natin, 'di ba?
