Sandara Park, nag-celebrate ng birthday sa Pinas!

Nagdiwang ng birthday sa Pilipinas ang singer at actress na si Sandara Park! Sa Instagram niya ipinost ang mga photos mula sa kanyang birthday bash kung saan may life-sized standee niya na tumutugtog ng gitara, at pati ang cake niya ay may topper na kamukha nito.
Siyempre, hindi mawawala ang mga bffs. Nag-iwan ng pagbati sa comments section ang close friend niyang si Joross Gamboa. Bumalik si Sandara sa bansa nitong November para sa isang brand event, at sa pananatili niya rito ay nag-bonding siya kasama sina Joross at Apl de Ap.
Let's be honest, ramdam na ramdam talaga ang pagmamahal niya sa Pinas dahil itinuturing niya itong second home. Naalala rin natin na bumisita siya rito noong April para mag-vacation, kung kailan niya rin inilabas ang solo project niyang "Reprism".
Sana all may life-sized standee sa birthday party, 'no?
