Iñigo Pascual, open pa rin sa pagtatrabaho kasama ang ex na si Maris Racal

Hindi sarado ang pinto ni Iñigo Pascual kung sakaling magkaroon ng chance na makatrabaho niya ulit ang ex-girlfriend na si Maris Racal. Sa katunayan, sinabi ng singer at actor na walang pressure sa kanila kung mangyari man ito.
Kuwento ni Iñigo noong November 9 sa Thanksgiving celebration ng TV5 sa Grand Hyatt Manila, nananatili silang magkaibigan kahit tapos na ang kanilang romantic relationship. Aminado siya na normal lang ang komunikasyon nila at walang anumang awkwardness sa pagitan nila.
Kaya naman hindi napigilang mapangiti si Iñigo nang tanungin siya ng mga entertainment reporters kung posible bang magbalikan ang dalawa. Ang sagot niya, depende raw ito sa kung paano tatakbo ang mga bagay-bagay at destiny na lang ang makakapagbigay ng kasagutan.
Supporter din si Iñigo sa mga achievements ni Maris, lalo na sa mga sunod-sunod nitong panalo bilang Best Actress. Para sa kanya, nagbubunga na ang hard work ni Maris sa industriya.
Nagkita na rin daw ang dalawa sa ilang events, gaya ng Halloween party ng Belo sa Opulence, kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong mag-catch up at mag-usap. Happy raw si Iñigo na healthy ang friendship nila at patuloy silang nag-su-support sa isa't isa.
Kaya tayo na lang ang mag-abang kung may 'destiny' ba talagang mangyayari o friendship na lang talaga ang peg nila.
