Rere Madrid, nag-open up tungkol sa hirap ng recovery after C-section

Isang buwan na si Baby Atlas, ang anak nina Kai Sotto at Rere Madrid. Para i-celebrate ito, nag-post ang actress-model na si Rere ng ilang tender moments nila ng kanyang anak sa Instagram at inamin na sobrang saya niya sa bawat sandali kasama ang baby.
Pero hindi raw naging madali ang simula. Pag-amin ni Rere, naging struggle ang unang linggo nila dahil sa recovery niya mula sa childbirth. Ang hirap mag-recover from CS, lalo na alam kong hindi ko pa kayang alagaan ka full-time the way I wanted to, pagbabahagi niya.
Kailangan daw muna niyang mag-focus sa sariling paggaling para pagdating ng araw na kaya na niyang gumalaw nang maayos, maibigay niya ang lahat ng care at love na deserve ni Atlas. Ngayon, feeling ni Rere ay nandito na sila sa point na iyon.
Nagpasalamat din si Rere kay Baby Atlas dahil nanatili ito sa tabi niya araw-araw. Sabi niya, pinaalala raw ng baby sa kanya na magpakatatag at lumaban kahit marami siyang nararamdaman physically at emotionally.
Bumuhos din siya ng pagmamahal para sa anak at nangakong gagawin ang lahat para dito. Para kay Rere, si Atlas ang kanyang everything at ang nagbibigay sa kanya ng lakas para kayanin ang lahat. Inamin din niyang healing, learning, at adjusting pa rin siya, pero hindi magbabago na gagawin niya ang best niya para sa anak.
I love you so much Atlas, with all my heart. Happy 1 month of being together. From my womb to my arms, you will always be my greatest blessing, dagdag pa niya.
Hindi lang si Rere ang naging emotional; sa isang separate post, nag-dedicate din si Kai Sotto ng touching message para kay Baby Atlas para markahan ang unang buwan nito sa mundo.
Kasal na sina Kai at Rere matapos ang isang intimate ceremony sa Cavite noong May. Noong June, inanunsyo nila na expecting sila ng kanilang first child, at nailuwal ni Rere si Baby Atlas noong September. Let's be honest, nakaka-touch talaga 'yung transition from wedding glow to mommy glow!
