Brent Manalo, naging 'Clark Brent' ngayong Halloween

Hindi nagpahuli si Brent Manalo sa Halloween festivities at nag-transform bilang 'Clark Brent.' Kinuha niya ang inspirasyon mula sa sikat na comic book hero na si Superman, partikular na sa alter ego nito na si Clark Kent, ang reporter mula sa Daily Planet.
Pagkatapos manalo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong July 2025 kasama si Mika Salamanca, naging busy ang actor-model sa kanyang career. Naging bahagi siya ng primetime series na The Secrets of Hotel 88 at kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival entry para sa 2026 na The Greatest Showdown.
Ito na ang pangalawang sunod-sunod na taon na may entry si Brent sa MMFF. Noong nakaraang taon, naging bahagi rin siya ng blockbuster hit na And The Breadwinner Is... kung saan kasama niya sina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Let's be honest, bagay na bagay kay Brent ang vibe ng isang reporter na may secret superpower. Sino kaya ang susunod na mag-surprise sa atin ng ganitong level ng wit sa costumes nila?
