Ate Gay, nasa critical condition ngayon sa ICU

Nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ang comedian na si Ate Gay dahil sa isang critical medical condition.
Sinabi ng kanyang pamilya sa isang Facebook statement na isinugod siya sa Emergency Room noong 17 October 2026 matapos makaranas ng matinding hirap sa paghinga. Natuklasan ng mga doktor na may septic shock at pneumonia-induced acute respiratory failure ang comedian, kaya naman kailangan siyang i-admit sa ICU para sa intensive care.
Sa huling update ng pamilya, nalampasan na ni Ate Gay ang initial septic shock. Pero noong 29 October 2026, nalaman ng mga doktor na nagkaroon ng damage sa kanang bahagi ng kanyang utak dahil sa stroke.
Sa ngayon, dependent pa rin si Ate Gay sa mga life-support machines. Kinumpirma ng pamilya na critical at guarded pa rin ang kanyang kondisyon. Dahil dito, lumalapit sila sa mga government agencies, private individuals, charitable institutions, at iba pang organisasyon para humingi ng medical at financial assistance para matustusan ang kanyang pagpapagamot.
Sama-sama tayong mag-pray para sa mabilis na recovery ni Ate Gay.
