Raheel Bhyria, pumasok na sa Bahay ni Kuya!

Pumasok na sa Bahay ni Kuya noong Sabado, ang Sparkle actor na si Raheel Bhyria para sa Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0. Ang Kamao star, na nadiskubre lang sa social media, ay pumasok bilang ang “Brusko Boksingero ng Las Piñas.”
Kahit sa loob ng bahay, dala pa rin ni Raheel ang fighter mindset. Sabi niya sa interview, Sa bawat suntok ng buhay, handa akong lumaban at manalo. Para sa akin, wala namang imposible basta magsusumikap ako.
Hindi lang pala basta hobby ang boxing para sa kanya kundi isang art at way of life. Ayon kay Raheel, malaki ang tulong ng sport na ito para mas magkaroon siya ng disiplina sa trabaho at sa kanyang buhay.
Kuwento rin niya na ang kanyang tatay, na isang Pakistani na nagsimula ng bagong buhay dito sa Pilipinas mula sa wala para itaguyod ang kanilang pamilya, ang isa sa mga inspirasyon niya.
Kung gusto niyo siyang mapanood, available ang PBB Collab 3.0 sa GMA at Kapuso Stream mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:35 p.m., Sabado ng 6:15 p.m., at Linggo ng 4:55 p.m.
Sana lang ay hindi siya masyadong maging brusko sa loob, kundi sa challenges lang ni Kuya! Kayang-kaya ba niya ang pressure sa loob ng bahay?
