Performative na lang? Gloria Diaz, may hugot sa mga advocacy ng beauty queens

Medyo spicy ang take ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz pagdating sa mga beauty pageants. Sa isang interview, inamin ng beauty queen at actress na parang hindi na siya naniniwala sa mga pinipiling advocacy ng mga candidates ngayon. Para sa kanya, naging performative at repetitive na lang ang mga ito, at tinawag niya itong mga “empty words.”
Pero hindi naman lahat ay sang-ayon na kailangan talaga ng ganitong platform para makasali sa pageant. Noong October 19 sa 'Fast Talk with Boy Abunda', nagbigay ng kanilang opinyon sina Ahtisa Manalo, Gazini Ganados, at Yllana Aduana. Ayon kay Ahtisa, may perception na raw ang mga bagong sasali na dapat may advocacy sila kapag nag-pageant, pero hindi naman daw ito requirement.
Sabi ni Ahtisa, It's a great plus to have something that you're fighting for that's bigger than yourself, but hindi siya requirement. Kumbaga, bonus lang daw ito at hindi mandatory para makasali sa kompetisyon.
Kahit medyo skeptical si Gloria, hindi naman niya sinabing zero talaga ang impact. Aminado siya na may mga exceptions pa rin naman at may mga beauty queens na talagang ginagawa at sinusunod ang kanilang mga platforms.
Kayo, feeling niyo ba authenticity pa rin ang labanan o script na lang ang mga sagot sa Q&A?
