David Licauco at Ashtine Olviga, best friends-to-lovers na sa 'Fight For My Way'

Sino ba namang hindi kikiligin sa trope na best friends-to-lovers? Ipinakilala sa official teaser sina Hanz, na gaganap si David Licauco, at Aira, na gagampanan naman ni Ashtine Olviga. Ang dalawang character ay magkaibigan na raw for over 20 years.
Sa teaser, nasilip natin ang mixed martial arts skills ni Hanz at ang mga failed attempts niya sa dating. On the other hand, pinapakita rin ang heartbreak moments at financial struggles ni Aira. Pero syempre, hindi mawawala ang banter! Sabi pa ni Hanz kay Aira, Your shoes are broken! Your bag is broken! Your whole life is a mess, Aira! I'm the one good thing you've got left.
Sana lang hindi tayo masyadong masaktan sa plot, pero for now, we are here for the chemistry. Kasama rin sa cast sina Aubrey Caraan at McCoy De Leon, sa ilalim ng direksyon ni Crisanto B. Aguino.
Kung excited na kayong mapanood ang gulo at pag-ibig nina Hanz at Aira, mark your calendars. Mag-i-stream na ang series sa Viva One sa November 20.
Kayo, ano ang masasabi ninyo sa kilig na hatid ng teaser?
