Cup of Joe, mag-hi-hiatus muna after December concerts

Mag-te-take muna ng temporary hiatus ang OPM band na Cup of Joe pagkatapos ng kanilang mga concert ngayong December. Siniguro naman ng grupo na babalik sila nang "stronger."
Inanunsyo nila ang break na ito noong Biyernes, Oct. 30, during ng kanilang “Sandali Sessions: Ikaapat na Yugto” Halloween event sa Quezon City. Ayon kay lead vocalist Gian Bernardino, ang “Cup of Joe: Symphony” shows sa Dec. 3 at 4 ang magsisilbing “temporary goodbye concert” nila.
Hindi naman sobrang goodbye, paglilinaw ni Bernardino para hindi masyadong mabigla ang mga fans. Sabi rin niya, nandiyan pa rin ang mga members. Ayon sa banda, magkakaroon ng oras ang mga miyembro para mag-focus sa kani-kanilang sarili. Inilarawan niya ang journey ng banda bilang isang “good 2025-2026 run.”
Kaya naman naging usap-usapan ang mga individual pursuits ng bawat member, lalo na ang interes ni Bernardino sa pag-arte after niya lumabas sa film na “Pee Mak.” Pero lowkey lang muna tayo rito kasi hindi pa kinukumpirma ni Bernardino kung connected ba ang acting plans niya sa decision ng bandang mag-break.
Sa Halloween event, nag-costume pa ang members base sa British boy band na One Direction at nag-perform ng cover ng “Night Changes.” Timing din ito dahil ang One Direction ay nag-indefinite hiatus noong 2016 para mag-solo career.
Ang December concerts ang huling live performances nila bago ang hiatus. Sa “Symphony” shows, sasamahan sila ng Orchestra of the Filipino Youth na isang 32-piece ensemble.
Bago mag-pahinga, humataw muna ang banda na binuo noong 2018 nina Bernardino, Gabriel Fernandez, Raphaell Ridao, CJ Fernandez, at Xen Gareza. Kilala sila sa mga hits na “Multo” at “Tingin,” at kamakailan lang ay isinumite ang kantang “Sandali” para sa Best Asian Pop Performance category ng 2027 Grammy Awards.
Sana lang hindi gaya ng One Direction na naging 'indefinite' ang hiatus, kundi sandaling pahinga lang talaga para mas bongga ang pagbabalik!
