Pamilya ni Ate Gay, humihingi ng tulong pinansyal habang nasa ICU ang comedian

Humingi ng tulong pinansyal ang pamilya ng comedian na si Gil Morales, o mas kilala bilang Ate Gay, matapos siyang ma-confine sa intensive care unit (ICU) dahil sa kanyang laban sa cancer.
Sa isang post sa official Facebook account ni Ate Gay, naibahagi ng kanyang pamilya na halos isang linggo na siyang sumasailalim sa medical care sa ospital. Ayon sa kanila, mapagkumbaba silang lumalapit sa mga "kind hearts" para sa anumang tulong na magagamit sa mga ongoing medical needs ng comedian.
Nagpasalamat na rin ang pamilya sa lahat ng mga nagpadala na ng tulong at generosity. Maaaring magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng GCash, MariBank, at RCBC. Binigyang-diin nila na no amount is too small at malaking bagay ang bawat kontribusyon, panalangin, at pag-share ng post.
Noong September 2025, ibinahagi ni Ate Gay na mayroon siyang stage 4 mucoepidermoid carcinoma. Sumailalim siya sa chemotherapy at radiation therapy, at patuloy na nagbigay ng health updates sa kanyang mga followers.
Nagkaroon din ng update noong July ng taong ito kung saan sinabi niya na may nakitang bagong lump malapit sa kanyang leeg at balikat, kaya naman ipinagpatuloy niya ang immunotherapy. Dalawang buwan matapos nito, nagbahagi si Ate Gay ng positive update na base sa kanyang latest tests, clear na siya sa cancer. Naidaan niya ito sa anim na CyberKnife treatments at siyam na immunotherapy sessions, bukod pa sa mga naunang procedure.
Kilala si Ate Gay sa kanyang pag-impersonate sa late Nora Aunor at sa kanyang mga nakakatawang rendisyon ng mga sikat na kanta. Naging bahagi rin siya ng mga programang tulad ng Comedy Bar at Wowowillie.
