MMFF 2026 may introduce Most Anticipated Award; fans, pwedeng bumoto!

May bagong entry sa awards night ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF). Ipinakilala ang PlayTime Most Anticipated Award, isang recognition kung saan ang mga Filipino moviegoers mismo ang boboto kung anong festival entry ang pinaka-exciting panuorin.
Naganap ang announcement matapos pormalisahin ng MMFF ang partnership nito sa PlayTime Entertainment bilang Official Entertainment Partner ng festival sa isang ceremony sa office ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kung gusto nating maki-join, libreng bumoto sa playtime.ph/vote/mmff. Nagsimula na ang voting noong Oct. 12 at tatakbo hanggang Dec. 24. Kung sino ang makakakuha ng pinakamaraming valid votes, siya ang ididinyalar na winner.
Siyempre, hindi mawawala ang kaba at excitement dahil irerecognize ang winning entry sa 52nd MMFF Awards Night sa Dec. 27.
Hindi ito ang unang beses na sumuporta ang PlayTime Entertainment sa festival. Noong 51st edition, nag-contribute sila ng ₱250,000 para sa Best Picture at ₱100,000 para sa Best Director. Sumali rin sila sa Parade of Stars, premiere nights, at awards ceremony.
Para sa mga nagpaplano na ng movie date, magbubukas ang 2026 MMFF sa mga sinehan sa Dec. 25. Mayroong eight official entries na dapat abangan. Magkakaroon din ng festival activities sa mga co-host na San Juan, Mandaluyong, at Bacolod City.
Kaya ihanda na ang mga wish list ng pelikula dahil oras na para i-vote ang paborito nating bida!
