Twin Flames nina Shan Vesagas at Skye Chua, streaming na!

Kaka-premiere lang noong 15 November ang bagong digital romance-drama short film na "Twin Flames" nina Shan Vesagas at Skye Chua. Produced mismo ni Shan ang pelikulang ito at mapapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel.
Siyempre, hindi naman papayag ang mga netizens na manahimik lang. Marami ang nag-express ng excitement sa team-up ng dalawa at kitang-kita raw ang natural chemistry nila on-screen. May mga pumuri rin sa ganda ng storyline ng film.
Para sa mga gustong makita ang mga sweet moments nina Shan at Skye, nag-share si Shan ng series of photos mula sa short film sa kanyang Instagram. Bago pa man ang premiere, nag-post din siya ng teaser sa IG kung saan ipinakita ang isang mysterious encounter ng dalawa sa isang cafe.
Hindi ito ang unang beses na sumubok si Shan sa creative side. Nauna rito ang "HIStory of Us" na premiered noong May 31. Tungkol naman sa second chances at overcoming past struggles ang short film na iyon, kung saan nakasama niya sina Nikki Van, Larkin Castor, Bont Bryan Oropel, Baninay Bautista, at content creator Mark Oliveros.
