Ice Seguerra, magkokonsiyerto na sa London para sa 25th anniversary ng 'Pagdating ng Panahon'

Papunta na si Ice Seguerra sa London, United Kingdom para sa kanyang Pagdating ng Panahon 25th Anniversary World Tour. Nakatakdang mag-perform ang singer-songwriter para sa mga Pinoy fans sa Biyernes, Nov. 20, sa The Lighthouse Theatre sa Camberwell, London.
Nag-post si Ice sa Facebook noong Lunes, Nov. 16, ng mga photos ng pag-alis niya kasama ang partner na si Liza Diño. Sabi niya, Off to the UK for the Pagdating ng Panahon 25th Anniversary World Tour! It’s my first time doing a solo concert in London, and I’m so excited to sing for our kababayans there.
Ang international tour na ito ay pagdiriwang ng ika-25 taon mula nang ilabas ang OPM classic na "Pagdating ng Panahon." Nagsimula ang serye ng concerts sa isang show sa Manila noong Aug. 22, bago tumuloy sa Australia. Nag-perform si Ice sa apat na lungsod doon—Sydney, Canberra, Melbourne, at Adelaide—mula Aug. 29 hanggang Sept. 5.
Ang kanta, na nailabas noong 2001, ay isinulat nina Moy Ortiz at Edith Gallardo at ni-produce ng yumao nang si Margot Gallardo. Para sa anniversary nito, nakipagtulungan ulit si Ice sa Vicor Music Corporation para sa isang bagong recording na pinamagatang "Pagdating ng Panahon (25 Years Later)," na lumabas noong April 2026.
Kahit busy sa tour, hindi tumitigil si Ice sa iba pang projects. Nitong September, naglabas siya ng kantang "Kumusta Ka" para sa pelikulang "Always Yours, Never Mine" nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Magre-reunite rin siya kina Sitti, Nyoy Volante, Noel Cabangon, at Bituin Escalante para sa Videoke Hits concert sa Manila ngayong December.
