Megan Young, sasali na sa judging panel ng MGI All Stars Season 2

Confirmed na ang pagsali ni Megan Young sa judging panel ng second season ng MGI All Stars. Inanunsyo ito sa social media noong Lunes ng gabi, November 16.
Sasamahan ni Megan, na first Miss World winner mula sa Pilipinas, ang unang Miss Universe titleholder ng bansa na si Gloria Diaz sa panel ng contest na magsisimula next month. Sila ang dalawang Pinoy judges sa roster, at pareho silang kinikilalang mga gems ng Philippine pageantry dahil sa kanilang mga titulo.
Kasama rin sa judging panel sina Isabella Menin ng Brazil (2022 Miss Grand International) at Shyare Andrade ng Ecuador (2026 Miss Grand International first runner-up), pati na rin ang international pageant and runway coach na si Lu Sierra. Nagbabalik naman bilang judges sina Psi Samut Scott, Osmel Sousa, at Omar Harfouch.
Sa kabilang banda, hindi na magbabalik bilang judge si Jojo Bragais. Ayon sa shoe designer, gusto niyang iwasan ang claims of conflict of interest dahil may dalawa siyang participants sa competition: sina Alexie Brooks at Anne Patricia Lorenzo Diaz.
Sina Brooks (2025 Miss Eco International winner) at Diaz (2025 Miss International Queen Top 6 finalist) ay sasamahan ni Michelle Marquez Dee, na 2019 Miss World Top 12 at 2023 Miss Universe Top 10 finalist, bilang mga delegates mula sa Pilipinas.
Babalik din si Vanessa Pulgarin ng Colombia para idepensa ang kanyang titulo mula sa inaugural edition. May chance siyang manalo ulit ng $100,000, at kung mapapanalo niya ito sa ikatlong sunod-sunod na edition, aakyat sa $1 million ang kanyang total winnings.
Sana lang ay hindi mag-away-away ang mga judges sa pag-score, kundi rampa lang talaga ang focus. Kayo, sino ang bet niyo manalo?
