Mikee Quintos, humingi ng paumanhin sa mga ka-housemates sa PBB Collab 3.0

Humingi ng paumanhig si Mikee Quintos sa kanyang mga kapwa housemates sa "Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0" matapos niyang mapagtanto na nakaapekto ang kanyang mga past experiences sa kung paano siya tumugon sa mga acts of kindness ng iba.
Sa episode noong Huwebes, Nobyembre 12, ipinaliwanag ni Mikee kung bakit siya naging irritable sa mga housemates, lalo na nang mag-offer ang mga lalaki na kumuha ng extra discomfort sa isang house punishment para muna makatapos ng task at makakain ang mga babae. Inamin ng actress at singer na ang gesture na ito ay nag-trigger ng masasakit na alaala noong panahon ng pandemic.
Kuwento ni Mikee, dumaan siya sa isa sa pinakamahirap na bahagi ng buhay niya nang ma-bash siya nang malala online dahil sa isang group project sa college. Ayon kay Mikee, tinawag siyang "burden" at pinagtawanan siya online.
Naalala rin niya na sabay niyang ginagawa ang pagtatrabaho at pag-aaral noon, na nakaapekto sa kanyang contribution sa project. Sobrang naging overwhelming ang criticism na paulit-ulit pa siyang tina-tag sa mga photos ng weights para asarin na "pabigat."
Naging mahirap para kay Mikee na tanggapin ang tulong nina Lans Nagal at Anthony Constantino dahil gusto niyang patunayan sa sarili na hindi totoo ang mga hurtful comments na natanggap niya noon. Sinabi niyang hindi nararapat sa kanila ang naging reaksyon niya kanina.
Sinuportahan naman siya ng kanyang mga housemates at tiniyak na ang kanilang pagtulong ay galing sa genuine care at walang sinuman sa bahay ang nakikita siya bilang burden. Nagtapos din si Mikee ng degree in architecture mula sa University of Santo Tomas noong 2025.
Ang "PBB: Collab 3.0" ay nag-premiere noong October 24 at binubuo ng 16 na housemates na mix ng celebrity personalities, social media stars, at ordinaryong netizens. Ang series ay mapapanood sa GMA Network mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:35 p.m., Sabado ng 6:15 p.m., at Linggo ng 4:45 p.m.
Grabe yung trauma ng group project, ’no? Sana all may supportive housemates na mag-assure sa kanila!
