Maymay Entrata, irerepresent ang Pinas sa 'Hong Kong Unlocked'

Sali na naman si Maymay Entrata sa isang international project! Irerepresent niya ang Pilipinas sa game show na “Hong Kong Unlocked,” kung saan makakasama niya ang mga entertainment personalities mula sa Indonesia, Malaysia, at Singapore.
Sa six-episode series na ito na produced ng TVN Asia, susundan ang apat na cast members habang nililibot ang mga popular tourist attractions at pati na rin ang mga lesser-known destinations sa Hong Kong. Hindi lang ito basta sightseeing dahil may mga challenges silang kailangang lampasan habang nadidiskubre ang kultura, kasaysayan, at mga attractions ng lungsod. Sa first episode pa lang, pupunta na sila sa Avenue of Stars para i-explore ang cinematic heritage ng city.
Kinuha raw sila ng TVN Asia sa pamamagitan ng isang competitive audition process. Ang energy at adventurous personalities ng mga cast members ang isa sa mga qualities na hinanap para sa show. Mark your calendars na dahil scheduled ang premiere ng “Hong Kong Unlocked” ngayong December.
Kilala si Maymay sa mga hits gaya ng “Amakabogera” at naging sikat matapos manalo sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2017.
Siyempre, hindi rin mawawala ang kilig updates. Last year, ginawang Instagram official ni Maymay ang relationship nila ng model boyfriend niyang si Joaquin Enriquez. Fresh na fresh pa rin ang dalawa dahil kamakailan lang ay nagkasama sila sa music video ng latest single ni Maymay na “What We Love.”
Sana lang ay hindi masyadong mapagod si Maymay sa mga challenges para may energy pa rin siya sa pag-awra!
