Alex Gonzaga, nakipag-bakbakan sa breastfeeding struggles niya kay baby Isaac

Aminado ang actress at content creator na si Alex Gonzaga na hindi naging madali ang breastfeeding journey niya sa panganay na si Isaac. Sa isang Instagram post noong Tuesday, Nov. 17, kinuwento ni Alex na nakipag-struggle sila ng anak niya pagdating sa direct breastfeeding sa loob ng isang linggo.
Imagine the stress kasi paulit-ulit daw na hindi nag-la-latch si baby sa feeding sessions nila. Sa sobrang frustration, kinagat pa raw siya ni Isaac nang dalawang beses kagabi. Sabi ni Alex, One week kami lagi struggle para makadede ulit sya… kagabi sa inis nya kinagat pa twice.
Pero siyempre, hindi tayo papatalo sa stress. May breakthrough rin si Alex habang tulog ang baby. Sinubukan niyang ituloy ang nursing nang mahinahon at sa wakas, nag-latch na si Isaac nang walang drama o iyakan. Thank you Lord, while Isaac is sleeping now I calmly gave him my breast and he latched!!! Walang drama at iyakan, share niya.
Kaso, ang peaceful moment ay nauwi rin sa kulitan. After 30 minutes, parang ginawa na raw ng baby ang breast niya bilang pacifier. Pero okay lang daw iyon basta para sa anak. At dahil hindi mawawala ang pagiging savage ni Alex, hindi nakaligtas ang asawa niyang si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada sa hirit niya.
Biro niya para sa anak, Tandaan mo anak, para sayo lang yan kahit si papa mo di na mahawakan yan.
Kudos kay Alex for being so real about this! Marami ring fellow moms at celebrities ang nag-iwan ng words of encouragement sa comments section at pinuri ang patience niya kahit na masakit ang kagat ni baby.
