Anne Hathaway, spotted na NYC kasama ang kaniyang third baby

Welcome to the world, little one! Kumpirmadong tatlo na ang anak ng actress na si Anne Hathaway at ng kaniyang asawang si Adam Shulman. Sa unang pagkakataon, namataan si Anne na lumalabas sa publiko kasama ang kaniyang newborn noong Tuesday, November 17, sa New York City.
Simple lang ang look ni Anne habang nakikipag-kwentuhan sa isang female friend: naka-long gray coat, brown baseball cap, sunglasses, at light-colored pants. Ang baby naman ay naka-front-facing baby carrier sa dibdib ni Anne, at ang tanging nakitang part ng baby ay ang kaniyang purple-and-pink beanie.
Kahit confirmed na ang arrival ng third child, nananatiling secret pa rin ang pangalan, sex, at exact birth date ng baby. Noong June 19, nag-post si Anne sa Instagram ng video ng kaniyang baby bump na may caption na tumutukoy sa kanta ni Barbara Lewis na may parehong pamagat.
Sila Adam at Anne ay nagpakasal noong September 29, 2012, sa isang private ceremony sa Big Sur, California matapos mag-engage noong November 2011. Ang panganay nila na si Jonathan Rosebanks Shulman ay ipinanganak noong March 2016, habang si Jack Shulman naman ay isinilang noong November 2019.
Naging busy si Anne sa maraming major film releases nitong 2026. Pero wait, may mga projects pa rin siyang paparating gaya ng “The Princess Diaries 3,” “Days of Thunder,” “Alone at Dawn,” at “Fear Not.”
Sana ay mabigyan na tayo ng update kung baby boy o girl ang newest member ng family!
