Marian Rivera, nag-debut na sa Gandang Gabi Vice

Nagtagpo na ang dalawang box-office powerhouse nang mag-debut na si Marian Rivera sa Gandang Gabi Vice. Punong-puno ng sayawan at heartwarming chats ang naging encounter nila ni Vice Ganda, kung saan hinarap ng Kapuso Primetime Queen ang mga comedic antics ng host.
Sa unang pagkakataon sa show, nakipag-sit down si Marian kay Vice para mag-share tungkol sa kanyang humble beginnings bago sumikat. Hindi rin siya nagpigil sa pag-share ng mga quirky facts tungkol sa sarili at sinagot ang mga burning questions mula sa mga fans.
Kasama sina Vice at ang Geng Gang, kinuwento rin ni Marian ang kanyang mga experience sa pag-film ng family drama na "Remember" mula sa Star Cinema. Ang movie na ito, na idinirek ni Mae Cruz-Alviar, ay mapapanood sa mga sinehan simula 11 November. Ito rin ang pinakabagong movie pairing nina Marian at Dingdong Dantes pagkatapos ng tagumpay ng "Rewind" noong 2023.
Para sa mga gustong mapanood ang lahat ng uncut at unfiltered moments, lumabas na ang "Gandang Gabi Vice: Unfiltered" noong 25 October, 11 PM exclusively sa iWant. Available ito via subscription plans na nagsisimula sa PHP 35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 sa United States, at USD 4.99 para sa iba pang panig ng mundo.
Ang Gandang Gabi Vice ay umeere rin tuwing Linggo, 10 PM sa GMA.
