GMA at ABS-CBN, nag-collab na naman para sa Pinoy Big Brother Collab 3.0

Finally, nailabas na rin ang 16 housemates para sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 sa grand premiere noong October 24. After ng housewarming noong October 20, officially open na ang bagong era ng PBB kung saan humanity at authenticity raw ang magiging highlight ng journey nila.
Siyempre, hindi mawawala ang pasabog sa simula. Pinakita muna ang bagong interior ng bahay bago nag-perform nina Carmelle Collado, Heath Jornales, at Will Ashley ng "Pinoy Ako." Sumali rin sa production number ang PBB Collab 2.0 Big Winners na sina Caprice Cayetano at Lella Ford.
May twist rin ang casting season na 'to: combination daw ang mga housemates mula sa online auditions at mga invited celebrities. Hati ang grupo sa Kapuso at Kapamilya housemates.
Sa Kapuso side, kasama sina Anthony Constantino, Bela Arcal, Ethan Benares, Lans Nagal, Mikee Quintos, Nicole Fortuna, Raheel Bhyria, at Winwyn Marquez. Para naman sa Kapamilya, nandiyan sina Calix Esguerra, Cianne Dominguez, Gehlee, Jeo Ong, Nathan Garcia, Primo Alterado, Robbie Jaworski, at Shea Valerio. Pero wait, there's more dahil may mga additional housemates pa raw na ipapakilala sa mga susunod na linggo.
Pagdating naman sa Pamilya ni Kuya, nadagdag si Michael Sager kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Gabbi Garcia.
Kung gusto niyo silang panoorin, mapapanood ang Pinoy Big Brother Collab 3.0 sa GMA Prime tuwing weekdays (9:35 p.m.), Saturdays (6:15 p.m.), at Sundays (4:55 p.m.). For those na hindi maka-move on sa chika, available ang All-Access Livestream araw-araw via iWant mula 8 a.m. hanggang 12 m.n.
Sino kaya sa 16 na 'to ang unang gagawa ng drama sa loob ng bahay?
