Marian Rivera, isang araw lang ang kinuha na talent fee sa ‘Balota’

Isang araw lang ang kinuha na talent fee ni Marian Rivera para sa pelikulang ‘Balota,’ at ibinigay niya ang bahagi nito sa kanyang crew at idinonasyon ang natitira sa isang educational charity. Kinumpirma ito ni Kip Oebanda, ang director ng film, sa kanyang X page noong Lunes, Nobyembre 9.
Sabi ni Oebanda, Secret’s out I guess. Lumabas ang impormasyong ito matapos magkwento ang veteran actress na si Odette Khan tungkol sa tulong pinansyal na ibinigay ni Marian sa kanya. Ayon kay Oebanda, marami pang ginagawa ang aktres na hindi naman nailalabas sa publiko.
Kabilang sa mga secret good deeds ni Marian ang pagdonasyon kay Odette Khan para sa kanyang medical treatment, kahit pa nabanggit na “complicated” ang history ng dalawa. Naunang ibinahagi ni Khan sa isang interview sa “Kay Susan Tayo! Vlogs” na tinulungan siya ni Marian nang maospital siya nang dahil sa pneumonia at emphysema nitong taon.
Marian. For whatever it is, thank you so much. You were there to help. I felt so good. Thank God. You did something beautiful in my heart. Thank you, pasasalamat ni Khan.
Hindi lang yan, dahil ayon pa kay Oebanda, dalawang dekada na raw tahimik na tumutulong si Marian sa mga kaibigan at ibat ibang charities. Binanggit niya ang Smile Train, isang non-profit organization na tumutulong sa mga batang may cleft lips at palates, na dekada na ring sinusuportahan ng aktres.
Agad na umani ng paghanga mula sa netizens ang post ni Oebanda para kay Marian.
