Bawat milestone, may bag si Mommy: Ang fashion tradition ng mga Barretto

Aminado ang actress na si Julia Barretto na may special place ang mga handbags sa buhay nila. Naging tradisyon na raw nila na tuwing may nangyayari sa buhay ni Julia, may bag para kay Marjorie Barretto.
Sa isang brand launch kamakailan, shinare ni Julia na talagang ginagamit ni Marjorie ang mga bag na nireregalo nila sa kanya. As long as something happens in my life, there’s always a bag for her, sabi ng actress.
Pero hindi lang pala regalo ang bonding nila sa fashion. Sa bahay ng mga Barretto, standard practice ang closet-swapping sa pagitan ng mga Barretto sisters. Dahil dito, mas pinipili nila ang mga versatile at long-lasting designs para practical sa lahat.
Pagdating naman sa personal taste, hindi fan si Julia ng mga 'loud' na items. Mas gusto niya ang minimalist at timeless classic look kung saan ang product mismo ang nagsasalita at hindi ang brand name.
Ang preference na ito sa simple at subtle aesthetic ang dahilan kung bakit ito ang focus ng latest brand collaboration niya. Pasok ito sa 'quiet luxury' trend na paborito rin ng kanyang inner circle. Para kay Julia at sa iba pang kababaihan sa pamilya Barretto, fashion is definitely a family affair at family first talaga pagdating sa style.
