Mikha ng BINI, naki-adventure sa 5,000-ft Sky Ladder sa China

Grabe ang adrenaline rush nito! Ipinakita ni Mikha Lim ng BINI na hindi siya takot sa kahit anong thrill nang subukan niya ang nakakahilong 5,000-foot Sky Ladder sa China.
Sa video na pinost niya sa Instagram, kitang-kita na fearless ang P-pop idol habang inaakyat ang dambuhalang height na ito. Naka-orange safety helmet, white jacket, at full climbing harnesses si Mikha habang nakabitin sa gilid ng isang matarik na cliffside. Ang mas nakakamangha, all smiles pa rin ang singer habang nagna-navigate sa mga narrow metal rungs na nakakabit sa bundok kahit sobrang taas na niya.
Sikat na destination ang Sky Ladder para sa mga thrill-seekers sa China dahil kailangang harapin ng mga climber ang vertical drops habang naka-suspend sa ibabaw ng malalalim na valley. Siyempre, hindi nagpahuli ang mga fans at agad na pinuno ang social media ng mga messages na humahanga sa bravery at adventurous spirit ni Mikha.
Kilala si Mikha bilang isa sa mga main dancers at rappers ng BINI, at kahit energetic na siya sa stage, pinatunayan niya rito na daring din siya sa personal na buhay. Kahit na super busy ang BINI sa kanilang mga chart-topping hits at schedules local at international, nakakahanap pa rin ng time si Mikha para sa mga ganitong klaseng adventure.
Kaya natin ’to? Ako, tingin ko hihimatayin na ako sa unang hakbang pa lang. Kayo, game ba kayo sa ganitong height o pass na pass muna?
