Luna Awards, magbabalik na after 2 years

Magbabalik na ang Luna Awards ngayong Dec. 10 sa Manila Hotel para sa 41st edition nito, matapos ang two years na pagkawala. Ayon sa statement ng Film Academy of the Philippines (FAP) noong Friday, Nov. 13, bibigyang-pugay dito ang mga pelikulang lumabas mula October 2025 hanggang September 2026.
Hindi na susunod ang awards sa dating practice na mga pelikula lang ng preceding calendar year ang kinikilala. Sa bagong adjusted eligibility period, magiging capstone awards na ito ng bawat film year para mas maparangalan ang mga pelikulang kasalukuyang ine-experience, discussed, and celebrated.
May bago ring voting system ang Academy na magsisimula sa citation stage. Dito, pipili ng eligible films ang mga selected film critics, industry leaders, academics, film organizations, cultural agencies, at iba pang award-giving bodies para mabuo ang shortlist para sa nominations.
Pagkatapos nito, boboto ang mga registered members ng Film Academy’s guilds sa kani-kanilang categories gamit ang Single Transferable Vote (STV) system. Gagamitin naman ang Droop quota formula para malaman kung sino ang mga papasok sa final list of nominees.
Sariwa pa ang labanan dahil nitong Nov. 12 lang nagsara ang nomination period. Umabot sa mahigit 2,000 guild members ang nag-participate gamit ang online portal, at mag-aanunsyo na ang FAP ng final round of voting soon.
Para naman sa mga hindi nakasali sa main timeline, may special citations din na ibibigay sa event para sa mga outstanding films mula 2024 at 2025. Sabi pa ng FAP, the moon rises once more ngayong Dec. 10, 2026, para i-celebrate ang luster and lunacy of Philippine cinema.
Sino kaya ang magwawagi at magdadala ng trophy pauwi?
