Lea Salonga, nagpakitang-gilas sa Asean Inclusive Growth Summit

Nag-shine si Lea Salonga sa 2026 Asean Inclusive Growth Summit noong Miyerkules, Nov. 11. Bukod sa pagbabahagi ng isang meaningful message, binigyang-buhay niya ang classic song na “Tagumpay Nating Lahat” na talaga namang umani ng palakpakan mula sa mga attendees.
Hindi lang ‘yan, dahil nag-perform din siya ng “Reflection” mula sa Disney, kung saan sinamahan siya ng kanyang kapatid na musical director na si Gerard Salonga sa piano. May kumalat na video ng performance niya sa Facebook page ng author at journalist na si Yvette Fernandez.
Siyempre, hindi lang si Lea ang bida sa summit. Naging speakers din dito sina Hollywood actress at humanitarian na si Angelina Jolie, ang beauty queen na si Kylie Verzosa, at ang fashion designer na si Rajo Laurel.
Let's be honest, kahit saan magpunta si Lea, siguradong mapapalingon tayo sa boses niya. Sino ba namang hindi gaganahan makinig sa isang legend?
