Slay na slay ang kumot-core look ni Bea Millan-Windorski para sa Miss Universe

Hindi lang basta ganda ang dinala ni Bea Millan-Windorski sa isa sa mga pre-pageant events ng 2026 Miss Universe, kundi pati na rin ang nostalgia. Suot ng Filipino-American beauty queen ang isang dress na inspired sa mga pamilyar na kumot prints noong 80s at 90s.
Ang outfit na ito ay gawa ng Filipino fashion designer na si Jaggy Glarino. Sa mga photos na shinare ni Bea sa kanyang Facebook page noong Huwebes, Nobyembre 12, kitang-kita ang printed silk dress na ginamit niya bago ang parade ng mga Miss Universe delegates sa Puerto Rico.
Sabi ni Bea sa caption niya, ang look na ito ay para sa bawat Pilipinong nangarap ng mas malaking bagay. Binigyang-pugay niya ang mga batang probinsyana na ginagawang pageant gown ang ordinaryong kumot at nagpapractice ng pasarela sa mga sulok ng bahay, sa pag-asang balang araw ay magkakaroon sila ng sariling stage para magningning.
Dagdag pa niya, honor para sa kanya na dalhin ang mga pangarap na ito sa buong Universe para sa lahat ng mga dreamers na nagkaroon ng lakas ng loob na yakapin kung sino talaga sila.
Kaya naman hindi nakulangan sa looks ang ating bet dahil pati ang Miss Universe Philippines ay nag-share din ng iba pang recent ensembles ni Bea sa kanilang Facebook page. Lumipad siya papuntang Puerto Rico noong Nobyembre 5 para sa kompetisyon.
Abangan natin ang finals night ng 2026 Miss Universe sa Nobyembre 24, o Nobyembre 25 dito sa Pilipinas. Sana talaga ay mag-work itong kumot-inspired energy para sa korona!
