‘Laya’ mag-world premiere sa London

World premiere na ang movie nina Andrea Brillantes at JC Santos na “Laya” sa 2026 Women and the World International Film Festival (WWIFF) sa London. Bahagi ang pelikula ng Feature Fiction Competition at ito lang ang tanging entry mula sa Pilipinas sa nasabing festival.
Sulat at direk ni Sigrid Andrea Bernardo ang psychological thriller na ito, at nakatakda ang screening nito sa Nov. 7. Samantala, nagsalita si Andrea Brillantes sa Opening Gala Night noong Huwebes, Nov. 5, kung saan pinasalamatan niya ang festival sa pag-champion ng mga kwento ng kababaihan sa cinema.
Ani Andrea, Laya means ‘freedom’ in Filipino. And I believe we all deserve to be free: Free to love, free to live and free to create. Aminado rin siya na kailangan ng mas maraming spaces na naglalagay sa mga babae sa sentro ng creativity.
Bukod kina Andrea at JC, kasama rin sa cast ang actor na si Anthony Jennings. Kung hindi ka naman nakapag-London, don't worry dahil mapapanood ang “Laya” sa mga lokal na sinehan sa Nov. 25.
Sino kaya ang mas nakaka-thrill sa plot, ang movie o ang chemistry ng mga leads?
