Kilig alert: Ronnie Pasamba, ang 'Varsity Cutie ng Bulacan', pumasok na sa PBB!

Fresh na fresh na pumasok sa Bahay ni Kuya nitong Linggo si Ronnie Pasamba kasama sina Allen Ansay, Daniela Stranner, at Lorelaine Sañosa. Ang tagline niya? "Ang Varsity Cutie ng Bulacan." Let's be honest, sa moniker pa lang, panalo na agad.
Hindi na bago si Ronnie sa spotlight dahil nagsimula siya bilang contestant sa Sparkle Campus Cutie Season 2. Doon siya naging First Runner-Up, habang nakuha ni Rayu Gravador ang title. Sa competition din na 'to niya nakilala ang kapwa housemate na si Ethan Benares.
Pero hindi lang siya pang-artista, legit na athlete rin itong si Ronnie. Varsity player siya sa De La Salle-College of St. Benilde at naglaro rin sa La Salle Greenhills noong high school. Sabi niya sa intro video niya sa Sparkle Campus Cutie, basketball has taught him discipline, teamwork, and the value of true friendship. Siyempre, hindi rin mawawala ang gym sessions at martial arts, dahil nag-practice pa siya ng taekwondo noong bata pa.
Kung akala niyo sports lang ang alam niya, think again. Mahilig din siyang kumanta para ma-express ang sarili, at nag-share na nga siya ng cover ng "Hanggang Kailan" ng Orange and Lemons sa TikTok. Multi-talented yarn?
Speaking of TikTok, dito rin lumabas ang pagiging fan boy niya sa late actor na si Rico Yan. Idol na raw niya ito since day 1, at sumali pa siya sa trend kung saan magkatabi ang photo nila. Dream niya talagang maging actor, kaya perfect timing itong pagpasok niya sa PBB.
Sana lang ay hindi siya ma-out of tune sa loob ng bahay, kundi sa puso ng mga viewers!
